hindi maitatwa na ang kendi ay naging malaking parte ng kabataan natin.mga
makukulay,mababango(although minsan may maantot),at masasarap na kending
lalung nagpasaya saten at minsang nagpaiyak din dahil sa sakit ng ipen na
dulot nito.balikan natin ang mga kending namayagpag at pumukaw sa mga puso
at tastebuds nmin nung panahon ko.
1. KENDI MINT - eto ang kending kanunu-nunuan pa ng dynamite.ang official
na kendi ng mga taong may tinatagong puot sa knilang kaloob looban.mint
candy sya(malamang?!) na may lamang chocolate o kokwang mamasa masa sa
pinakagitna.kulay green ang wrapper nya na may nakaimprentang eskimo na
nakangite at parang gustong magpasubo na.
2. LIPPS - ang kendi ng mga batang malalande,mapa nene man yan o
tukling.cherry flavor na kendi na gawa sa benadryl(ayun sa pakilasa ko yan
ha,mapait kase) at sandamakmak na pulang food coloring.sobrang makulay sa
bibig,kadalasang ginagawang panghalili sa lipstik ng mga bata o di kaya
dugo effect sa larung aswang aswangan.payak lang ang wrapper,kulay puti at
pula tapos nakalagay lipps.
3. VIVA! - ang kendi na ayaw na ayaw ni mother lily.caramel candy sya na
mukang tae at mukang hindi masarap bilhin lalu na ang kainin.kulay tae din
ang wrapper nya at mas mamatamisin mo pa cgurong ikendi ang naptalina kesa
sa kending toh.
4. WHITE RABBIT - dalawa kase ang klase ng kending
white rabbit,may tinatawag na local at imported.parang vivang pinahaba lang
ung local version,toffeecaramel ang flavor at bukod dun eh wala ng ibang
misteryong mahihita pa sa knya.kulay puti at super milking nougat naman ung
imported.at bukod dun sa chinese character na nakaimprenta sa wrapper nya
eto ang pinaka pambato ng white rabbit imported,ang kanyang inner wrapper
na pwedeng kainin at pagsaluhan ng buong pamilya.happy fiesta!
5. PINYA - hindi ko alam kung anu ba tlaga ang lehitimong tawag sa kendi na
toh,pero dahil hndi tayu masyado sure ay itago na lang natin sya sa
pngalang ?pinya?.sya ang kending pinakafashionista ang wrapper dahil
figuratively muka syang pinya.bagsak lang sya sa itsura ng wrapper dahil
mukang tapeteng mura lang per yarda ang itsura nito.at ang
lasa?..pinya..malamang.
6. VICK'S - ang kendi ng mga batang may kakambal o ng mga batang sadyang
madamot lang tlga at pinalaking dupang?vicks candy.mentholated ang vicks at
dalawang piraso sya ng kendi sa isang maliit na pack na hugis inverted
triangle(kumporme sa paghawak mo).kulay hinog na uhog at pinaniniwalaan ng
mga bata na nakakapagpaluwag ng paghinga.hndi ko alam kung associated tlga
ang nakagisnan naming vicks candy sa vicks na pamahid sa sinisipon.
7. BUTTER BALL - ang kendi na mga batang may malalaking bibig.ito ang
peter's butterball,ang pinakamasarap sa lahat ng caramel candies.bilog
syang candy na mejo may kalakihan ang hulma kung sa bata ipapasubo.sosyal
ang wrapper dahil ito ata ang pinakaunang kendi na nasa pillow pack at
kulay peach pa.bsta masarap,husto na yun.
8. ORANGE SWITS - ang ina ng mga gummi bears at potchi.malalambot na orange
slices na pinatihaya,pinadapa at pinagulong gulong sa asukal hanggang sa
magtanda.apat na slices per pack at mas madalas na makitang binebenta ngyun
ng mga takatak boys kesa sa sari sari stores.
9. TOOTSIE ROLL - isa sa pinakasikat ng kendi nung panahon ko,sa sobrang
kasikatan eh nagkaron pa ng dance craze na tribute sa knya nung early
90s.caramel candy din ang tootsie roll na kasing haba ng mongol na
makatatlong beses ng tinasahan.bukod sa pwede syang kainin at sayawin ay
pwede din syang itapal sa ngipen para magmukang bungal at yun ang
pinakamasayang purpose ng tootsie roll.
10. ALMO - ang pinagmulan ng mga ovalteenies.chocolate candies sya na
mukang mga tabletang panlunas sa sipon at lagnat.nakalagay sa makulay at
maliit na foil pack at kadalasang nakasabit sa tindahan dahil dugsong
dugsong sya.masarap ang almo lalu na kung hindi mo sariling pera ang
pinambili.
11. HAW FLAKES - ang buhay na patunay na hindi sa ikatlong baitang sa
elementarya unang nagaganap ang pangungumunyon ng mga bata.ito ang haw
flakes,ang kending galing pa ng tsina at naging saksi sa barter trade
system.mas kilala sa tawag na ?oscha? dahil sa kakatwang itsura
nito.maninipis at kulay maroon na amoy pawisang singit ng
bata(maasim),nevertheless may basbas at sagrado.dito nagsisimula ang
damdaming makadiyos at madasalin kaya ibahin nyo ang haw flakes.ang kending
galing sa langit
12. KENDING HUBO - also known as neto,nyan o dutdut motion.pabili nga po
neto,pabili po nyan,o di kaya dutdut na lang dun sa garapon.ganyan ang
kending hubo.ang kending walang sapat na pagkakakilanlan at impormasyon sa
sarili.muka syang holen na iba iba ang kulay at flavor(kadalasan
citrus/fruity).may budbud syang asukal sa paligid at kadalasang nakalagay
sa malaking garapon ng lady?s choice.
13. LALA - ang pinakamasarap ng tsokolate sa mundo ng pagkabata.mas kilala
sa tawag na ?milo?,ang lala ay gawa sa purong kokwa(cge magmarunong tayu sa
ingredients) na hinulma into small rectangular chocolate bars na may
nakaemboss na parang rehas ng veranda.sobrang masarap at sobrang tindi din
kung magpasakit ng ngipin,nevertheless masarap.un naman ang importante eh.
14. CHOC-NUT - ang hall of famer sa lahat!sya ang pinakasikat na kendi(o
kung anumang twag sa klase nya) sa balat ng pilipinas.gawa sa natuyong
peanut butter at chocolate na hanggang ngayun ay hndi ko makapa ang lasa na
binalot sa palara.all time favorite ng panghimagas o pampalipas
oras.chocnut is simply the best(naks! parang HBO)?
15. Serg – yung gawa sa kokwang rektangulo na manipis at balot sa foil at papel..yung balot nya ay kulay krema at may sulat na “Serg” ano pa ba? Tapos sa patalastas maririnig mo ang linyang “serg, ikaw pa riiin…” hahaha!
18. Football – gawa rin yata ng kumpanya ng serg ‘to eh..hugis football na tsokolate at masarap papakin
No comments:
Post a Comment