Wednesday, September 5, 2007

EDEN Nature Park, Davao

first day of our davao adventure, eto una naming pinuntahan with my family... ang Eden Nature Park. sobrang antok pa ako nung paglabas ko ng van & hirap pa ngumiti sa mga pictures... until nagstop kme sa isang hall para mag-breakfast. maganda surroundings at malamig. parang tagaytay. until nakakita ung mga pamangkin ko ng mapaglilibangan. nakita nila yung "indiana jones". rope activity sya na sasabit ka para magswing papunta sa kabilang side ng activity area. kasama nman kasi sa entrance kaya sinubukan namin. check the videos...









...mukha bang masaya, o mukha kaming tanga? hehe!


tapos after namin magbreakfast, nagikot kami with their tour guide. basta, as in malawak yung lugar na we have to ride their.. their.. whatever they call it. hehe. anyays, the said park is partial natural forest, and the rest is fully man made. pero as in.. ang ganda!

bumpy yung ride na kung d ka kakapit eh pwde ka mahulog.. d ka nman masasaktan pag nahulog ka.. magmumukha ka lng "nardong putek" kasi sobrang putek nung mga inikot. hehe.


here are some of the pictures sa Eden Nature Park...

Garden ni Lola
obviously, garden! hehe. ano pa meron? etoh...
...mei nipa hut
...overlooking
...wishing well pa na punong puno ng gumamela, pero in fairness dameng barya sa ilalim. hehe
...mei duyan na ratan
...syempre, bulaklak at puno

ampitheatre garden
eto maganda talaga! according to the tour guide, malimit daw gamitin yung area sa wedding.. kse maganda tlga yung ambiance and surroundings. puro puno tpos sa gitnang area, mei mini-ampitheatre. mei pagkaromantic nga nman kung iisipin.

- overlooking din
- daming puno na iba't ibang kulay ung mga dahon
- ampitheatre style na pwde kang umupo sa grass
- mei arc yung gilid tpos mei mga flowers
- maaliwalas and malamig. sarap nga matulog eh
- pwde ka rin tumambay sa paligid kse sa dami ng puno, malawak din yung area na mei shadow na pwde mong pag-stay

actually, madami pa eh. d ko lang nakuhaan ng picture. meron din dun nagkalat mga deer, ibon.. mei ahas pa nga daw eh. tpos mei mga camping site din and cottages. meron din swimming pool, falls, ilog.. yung pinaka-last, mei cages sila ng mga ibon. meron dun, super laking dove!!! as in malaki!!! kasing laki ata ng aso eh. malaki talaga.. ang nakakatuwa dun. sa dami nila ng collection ng ibon, yung isang cage dun.. ang laman.. manok! haha. akalain mo nga naman at nilagay pa nila yun dun. hehe.


maraming pang iba.. mas maganda kung puntahan nyo nalng!!! hehehehe. a must-see park!

No comments: